ANG ALAK

ANG ALAK…

ECCLESIASTICO 31:25-31

25 Huwag mong ipagmayabang ang lakas mo sa inuman,
marami na ang napahamak sa pag-inom ng alak.

26 Kapag pinabaga at binasa ang patalim, nasusubok ang husay nito,
sa kanyang pag-inom nakikilala ang maginoo.

27 Ang alak ay nagpapasigla sa buhay
kapag ito’y ininom nang katamtaman.
Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak?
Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.

28 Kung ang alak ay iniinom nang napapanahon at nang katamtaman, ito ay nagpapaligaya sa puso at nagpapasigla ng kalooban.

[[[[[[[[[[29 Ngunit sakit ng ulo, hirap ng loob at kahihiyan,
ang dulot ng alak kapag ininom nang labis.]]]]]]]]

30 Ang pagkalasing ay nagiging gatong sa galit ng hangal,
na nagbubunsod sa kanya sa kapahamakan.
Nakakabawas ng lakas at nakadaragdag ng mga sugat.

31 Huwag mong pagsasabihan ang isang tao sa oras ng inuman,
huwag mo siyang hahamakin habang siya’y nagsasaya.
Hindi iyon ang panahon ng pakikipagtalo,
at paniningil ng pautang.

KAWIKAAN 31:4-8

4 Lemuel, di dapat sa hari ang uminom ng alak o matapang na inumin. 5 Kadalasan kapag lasing na sila’y nalilimutan na nila ang matuwid at napapabayaan ang karapatan ng mga taong naghihirap. 6 Ang alak ay ibigay mo na lamang sa nawawalan ng pag-asa at sa mga taong dumaranas ng matinding kahirapan. 7 Hayaan silang uminom upang hirap ay malimutan, at kasawia’y di na matandaan.

8 “Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. 9 Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

KAWIKAAN 20:1
1 Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao,
kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito.

KAWIKAAN 23:29-35

29 Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? 30 Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin. 31 Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito’y katakam-takam, 32 sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. 33 Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. 34 Ang makakatulad mo’y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad 35 at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako’y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”

1 TIMOTEO 5:23Huwag puro tubig lang ang iyong iinumin; uminom ka rin ng kaunting alak na gamot sa madalas na pagsakit ng iyong sikmura.

PULUTIN ANG TAMA AT IWAKSI ANG MASAMA.

AMEN!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: